Dating opisyal ng Mandaluyong, patay sa ‘riding-in-tandem’

Mandaluyong City – Patay ang dating city prosecutor matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga lalaki sa harap ng Neptali Gonzales High School sa barangay Mauway, Mandaluyong City.

Dead on arrival sa Victor Potenciano Medical Center ang biktima na si pablito gahol na isa ring dating kapitan ng barangay Mauway.

Habang nakaligtas naman ang misis nito at kaniyang apo.


Ayon kay Sr. Insp. Jose Andres Villarta, hepe ng investigation unit ng Mandaluyong police, sakay ng kanilang sasakyan ang mga biktima galing sa simbahan nang tambangan ng mga armadong grupo.

Hawak na ng Eastern Police District Scene of the Crime Operatives ang sasakyan ni Gahol para sa imbestigasyon.

Facebook Comments