Mandaluyong City – Pinaniniwalang may kinalaman sa iligal na droga ang motibo ng mga suspek sa pananambang sa isang dating opisyal ng PNP sa Blumentritt Street, Barangay Hulo, Mandaluyong City.
Kinilala ang mga nasawi na sina dating PNO opisyal na si Police Chief Inspector Hoover Pascual, 54 anyos; at ang anak nitong si Bryan Henrick Pascual, 33 anyos, negosyante, kapwa residente ng Conrado Street, Barangay Hulo, Mandaluyong City.
Ayon kay PO3 Darwin Barcena, ala-una ng madaling araw sakay ng kanilang Mercedes Benz ang mga biktima na sina Hoover at Bryan kasama ang kasintahan nito na si Marigold Remo na nakaupo sa likuran ng kotse at tinatahak ang kahabaan ng F. Blumentritt Street, pagdating sa kanto ng Primo Cruz Street binuntunan sila ng isang kulay puting Van at walang habas na pinaulanan ng putok ang mga biktima na nagresulta ng agarang kamatayan ng mag amang Pascual habang nakaligtas naman ang kasintahan ni Bryan Henrick na si Marigold.
May hinala ang mga awtoridad na may kinalaman sa kanyang dating trabaho bilang hepe noon ng Station Anti-Illegal Drugs ng San Juan PNP ang motibo ng pananambang sa dating opisyal ng PNP.