Dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, nagpasaklolo sa Korte Suprema para sa kanyang seguridad

Dumulog sa Korte Suprema si Dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog para humingi ng proteksyon dahil sa aniyay pangigipit ng mga otoridad  sa kanya at sa kanyang pamilya.

 

Sa kanyang petition for writ of amparo, tinukoy ni Parojinog na respondents sina PNP Chief Director General Oscar Albayalde, Ozamiz City Police Chief Major Jovie Espinido, at Ozamiz City RTC Acting Executive Judge Soliver Peras.

 

Ang petition for writ of amparo ay isang legal remedy para sa karapatang mabuhay,  kalayaan at seguridad ay nalalabag.


 

Hiniling din ni Parojinog sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order na pipigil sa pag-usad ng kanyang kaso sa Ozamiz City RTC.

 

Nais din niya na magpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Protection Order laban sa PNP at sa Ozamiz RTC dahil aniya sa banta sa kanyang buhay, kalayaan at seguridad.

 

Si Parojinog ay nahaharap sa kasong murder, illegal possession of firearms and ammunition (Republic Act 10591) at illegal possession of explosives (RA 9516).

 

Siya ay kapatid ni Dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na napatay sa police operation  noong July 2017.

Facebook Comments