Hinatulan na ng Quezon City Court, si dating Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog.
Kasong guilty ang naging desisyon ni Judge Mitushealla Manzanero-Casiño kay Parojinog, dahil sa kinakaharap nitong kaso na may kaugnayan sa iligal na droga.
Matatandaan na naaresto si Parajinog noong taong 2017, nang isagawa ng mga pulis ang anti-drug operation sa mismong kanilang bahay sa Ozamis City na ikinamatay rin ng kaniyang ama na si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog at 14 na iba pa.
Nabatid na aabot sa higit 677 na gramo ng hinihinalang shabu, ang nakumpiska sa mismong bahay ng mga Parojinog nang ikasa ang operasyon.
Pinatawan ng korte ng habambuhay na pagkakabilanggo si Parojinog, at inatasan na magbayad ng kalahating milyong piso.
Bukod dito, inatasan din ng korte ang Taguig City Jail Female Dormitory ang paglipat ng kustodiya kay Parojinog sa Correctional Institute for Women.