Manila, Philippines – Kusang loob na sumuko sa Sandiganbayan si dating Palawan Governor Joel Reyes kasama ang kanyang abogado.
Ito’y makaraang katigan ng Sandiganbayan 3rd division ang rekomendasyon ng mga state prosecutors na ibasura ang inihaing piyansa ni reyes sa murder case.
Ayon sa Sandiganbayan 3rd division, kinonsidera ng korte ang pagiging flight risk ni Reyes matapos na tumakas ito noon.
Sinabi naman ng abogado ni Reyes na si Atty. Demi Custodia na kaagad silang maghahain ng motion for reconsideration.
August 29, 2017 nang hatulan ng walong taong pagkakakulong si Reyes dahil sa pagbibigay ng permit sa isang mining firm na hindi dumaan sa tamang proseso.
Nilabag ng nasabing mining firm ang ilang mga batas makaraan silang lumampas sa annual maximum extraction limit na 50,000 dry metric tons ng “ore” o mineral.
Naabswelto sa kaso ang co-accused ni Reyes na si Adronico Baguyo, dating mining operations officer.
Magugunitang si Reyes rin ang umano’y utak sa pagpatay sa environmentalist at brodkaster na si Gerry Ortega.