Manila, Philippines – Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating Palawan Governor Joel Reyes kaugnay sa kasong graft may kinalaman sa maanomalyang renewal ng small-scale mining permits.
Base sa 33-pahinang desisyon ng Sandiganbayan 3rd Division, napatunayan nito na nagkasala beyond reasonable doubt si Reyes para sa kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Pagkakakulong na mula anim na taon at isang buwan hanggang walong taon ang ipinataw ng korte kay Reyes.
Bukod dito, pinagbawalan na rin itong humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.
Facebook Comments