Kinumpirma ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS na sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) si dating Palawan Governor Joel Reyes na akusado sa pagpapatay kay Doc. Gerry Ortega.
Ayon kay Usec. Paul Gutierrez, Executive Director ng PTFoMS, mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Ortega na mahigit isang dekada na ang nakararaan.
Sinabi ni Gutierrez na ngayong umaga ay magpupulong sila ni NBI Director Jaime Santiago hinggil sa pagsuko ng dating gobernador.
Matapos nito ay pupuntahan niya ang dating Palawan governor na nasa isang ospital dito sa Metro Manila.
Si Reyes ang itinuturong utak sa pagpaslang kay Doc. Gerry Ortega na isang environmentalist, broadcaster, at kritiko ni Reyes habang isa rin siya na umaalma sa mining operations sa Palawan.
Noong January 24, 2011, si Doc. Gerry ay napatay matapos barilni ng nag-iisang gunman sa San Pedro Village, Puerto Princesa City, Palawan.