Dating Pangulo at Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, posibleng maitalaga sa isang Constitutional Commission

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posible niyang italaga si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isang Constitutional Commission.

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte matapos matanggal bilang deputy speaker ng Kamara si ginang Arroyo matapos bumoto kontra sa death penalty bill.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya itatalaga sa ehekutibo at magtrabaho sa ilalim ng kanyang administrasyon ang dating Pangulo ng bansa bilang paggalang sa dati nitong posisyon.

 

Sinabi ng Pangulo, katanggap-tanggap pa na manungkulan ang dating Pangulo bilang kongresista at paglingkuran ang kanyang mga constituents pero hindi aniya mangyayari na itatalaga niya ang dating Pangulo sa ehekutibo.

 

Pero posible naman aniyang italaga ang dating Pangulo sa isang Constitutional Commission pero posible p arin naman aniyang tanggihan o hindi ito tanggapin ni dating Pangulong Arroyo.

Facebook Comments