Dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo, walang pangakong aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Binigyang diin ni dating pangulo at ngayon ay Deputy Speaker at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo na kahit kelan ay wala siyang ipinangako sa China at sa alinmang bansa na aalisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Arroyo, sa panahon ng pamumuno niya sa bansa ay wala ding sinuman sa mga opisyal ng gobyerno ang kanyang pinahintulutan na makipagkasundo o mangako ukol sa pagtanggal ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Pahayag pa ni Arroyo, ngayon lamang niya nalaman ang nabanggit na claim ng China na mayroong nangako sa kanila na tatanggalin ang BRP Sierra Madre sa kinalalagyan nito simula pa noong 1999.


Matapos ang paglilinaw ay sinabi ni Arroyo na hindi na siya muling magku-komento hinggil sa naturang usapin upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga foreign affairs officials na harapin o tutukan ito ng hindi nagagambala.

Facebook Comments