Dating Pangulong Aquino, handang bigyan ng karagdang proteksyon ng AFP matapos iutos ng National Democratic Front na ipaaresto ito

Manila, Philippines – Handa ang AFP na bigyan ng karagdagang proteksyon ang
dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ay matapos ang kautusan ng National Democratic Front na arestuhin ang
dating Pangulo na kanilang sinisisi sa madugong Kidapawan dispersal ng
nakalipas na taon

Sa press briefing dito sa Camp Aguinaldo.


Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na sakaling iutos,
handa ang Sandatahang Lakas na makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng
pamahalaan tulad ng Philippine National Police para bigyan ng proteksyon
ang dating Chief Executive.

Nanindigan naman si Padilla na hindi dapat kilalanin ang naging hatol ng
NDF laban kay dating Pangulong Aquino at iba pang dating opisyal ng
pamahalaan.

Matatandaang sa madugong dispersal sa Kidapawan, dalawang magsasaka ang
napatay at 29 ang sugatan.

 

Facebook Comments