Dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, nailibing na

Naihatid na sa kanyang huling hantungan si dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III sa Manila Memorial Park, dalawang araw bago siya pumanaw dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Eksakto 1:43 p.m. nang ilagay ng kanyang kapatid na si Kris Aquino ang urn ni dating Pangulong Aquino sa kaniyang puntod katabi ng pinaglibingan ng kanilang mga magulang na sina dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.

Habang isinasagawa ang inurnment ay pinatugtog ang kantang “To Dream the Impossible Dream”.


Bago ito, pagdating ng abo ni dating Pangulong Aquino sa Manila Memorial Park, isinagawa ang final prayer kung saan inilagay ang watawat ng Pilipinas sa ibabaw ng urn ni PNoy.

Binigyan din ng arrival honors ang dating pangulo at 21 gun salute ng Armed Force of the Philippines (AFP) bilang pagpapaalam at pagpupugay sa dati nilang commander-in-chief.

Isinakay ang urn ng dating pangulo sa karosa na hila ng command vehicle ng Philippine Army kung saan napuno ito ng kulay dilaw na mga bulaklak.

Nagkaroon din ng yellow flower petals drop habang isinasagawa ang funeral march.

Ilan naman sa mga personalidad na nakilibing ay sina Senator Francis Pangilinan, dating Senator Bam Aquino, Basilan Representative Mujiv Hataman at dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares.

Facebook Comments