Dating Pangulong Cory Aquino, Simbolo ng Demokrasya ng Pilipinas, Vice President Leni Robredo

“Wala sa kasitakatan ‘yan, nasa pamumuno yan”

Ito ang tugon ni Vice President Leni Robredo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumikat lamang si Dating Pangulong Cory Aquino dahil sa kanyang asawa na si Dating Sen. Ninoy Aquino.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na ang mas mahalaga ay nabigyan ng pagkakataong makapagsilbi sa bayan.


Ginunita rin ni Robredo ang ginawa ni Dating Pangulong Cory na maibalik ang demokrasya ng bansa matapos ang diktadurya ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Samantala, binuksan ni Robredo ang isang clasroom building sa Calatagan, Batangas bilang pagbibigay pugay sa Simbolo ng Demokrasya.

Facebook Comments