Dating Pangulong Duterte, hinamon ang ICC na bilisan ang imbestigasyon at ipakulong na sya kung mapapatunayang guilty

Hinamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court o ICC na bilisan ang imbestigasyon kaugnay sa reklamong crime against humanity laban sa kanya.

Sa pagdinig ngayon ng House Quad Committee ay tinanong ni Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas kung handa si dating Pangulong Duterte na makipagtulungan sa ICC.

Bilang tugon ay sinabi ni dating Pangulong Duterte na kung pwede bukas ay magpunta na dito sa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC para mapadali ang kanilang pagsisiyasat.


Ayon kay Duterte, kailangan magmadali ang ICC dahil baka sya ay mamatay na hindi na sya maimbestigahan kaugnay sa umano’y extra judicial killings (EJK) na naganap sa ilalim ng ipinatupad niyang war on drugs.

Tiniyak ni dating Pangulong Duterte na kung mapapatunayan ng ICC na guilty sya sa alegasyong crime against humanity ay handa syang mabulok sa loob ng kulangan.

Facebook Comments