Dating Pangulong Duterte, kailangang matiyak na mananagot matapos aminin sa Quad Committee hearing na mayroon siyang pinatay at nag-utos din ng pagpatay

Iginiit ni House Assistant Minority Leader and Camarines Sur 3rd District Representative, Gabriel Bordado Jr., na dapat managot si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Bordado makaraang aminin ng dating pangulo sa quad committee hearing na mayroon siyang pinatay na anim o pitong katao noong siya ay alkalde pa ng Davao.

Tinukoy rin ni Bordado ang pag-amin ni dating Pangulong Duterte na totoong iniutos niya ang pagsasagawa ng extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng pagpapatupad ng war on drugs.


Diin ni Bordado, ang ating mga batas ay dapat irespeto sa lahat ng pagkakataon kaya dapat managot ang sinumang lumalabag dito upang manaig ang hustisya.

Pinuri naman ni Bordado ang ipinapakitang integridad at determinasyon ng mga namumuno at miyembro ng House Quad Committee na walang pagod na nagsisikap na mailantad ang katotohanan at maitaguyod ang hustisya.

Facebook Comments