Dating Pangulong Duterte, magbibigti kapag napatunayan ang expose ni Trillanes sa quad comm hearing na tumanggap ito ng bilyones mula umano sa mga drug lords

Screenshot from House of Representatives/YouTube

Sa ika-11 pagdinig ng House Quad Committee ay naglatag si dating Senator Antonio Trillanes IV ng mga bank documents na nagpapakita na tumanggap ng may kabuuang 2.4 billion pesos si dating Pangulong Rodrigo Duterte pati ang mga anak nitong sina Vice President Sara Duterte at Representative Paolo Duterte gayundin ang common law wife na si Honeylet Avanceña.

Ayon kay trillanes, ang nasabing bilyones na dumaloy sa bank accounts ng tinawag niyang Duterte crime family simula noong 2011 ay mula sa umano’y mga drug lords na sina Michael Yang, Charlie Tan at Sammy Uy.

Mariing itinanggi ni Duterte ang mga isiniwalat ni Trillanes at sinabi na handa siyang magbigti kapag napatunayan na tumanggap ito at miyembro ng kaniyang pamilya ng bilyun-bilyong pisong halaga ng drug money.


Ayon kay Duterte, sasabihan din niya si VP Sara na magbitiw sa puwesto at hindi sya makiki-alam kung lilitisin ang anak na si Congresman pulong at manugang na si Atty. Mans Carpio at kapag napatunayan ay hahayaan silang mabilanggo.

Binanggit din ni Duterte na kung lalagda siya agad ng waiver ay magiging kondisyon na sasampalin niya si Trillanes sa publiko kasunod ng kaniyang pag-amba na hahampasin ng mikropono si Trillanes.

Facebook Comments