Dating Pangulong Duterte, nagbabala na magiging palala nang palala ang kalagayan ng Pilipinas — VP Sara

Nagbabala si dating Pangulong Rodrigo Duterte na magiging palala nang palala ang sitwasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, ito ang sinabi ng dating pangulo nang ipaabot niya ang mga nagaganap na demonstrasyon ng Filipino community sa iba’t ibang bansa bilang protesta sa pagkakaaresto kay FPRRD at bilang pagkadismaya sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon.

Aniya, tinukoy ng dating pangulo ang fracture sa governance kaya lumabas sa mga kalsada ang mga dismayadong Pilipino na nasa iba’t ibang bahagi ng mundo.


Idinagdag ni VP Sara na ipinapasa-Diyos na lamang ng dating Pangulong Duterte ang kanyang kapalaran.

Facebook Comments