Dating Pangulong Duterte, nanawagan sa mga Pilipino na bantayan ang kanilang boto sa Mayo —VP Sara

Ipinaabot ni Vice President Sara Duterte ang panawagan ng dating Pangulong Duterte sa mga Pilipino na bantayan ang kanilang boto sa nalalapit na halalan.

Sa kanyang muling pagharap sa mga Pilipino sa labas ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na nagbilin ang dating pangulo sa mga Pilipino na kailangang bantayan ng mga Pilipino ang mga boto at tiyakin na tama ang magiging bilang ng mga boto para sa senatoriables.

Ito ay dahil may mga indibidwal aniya na desperado at ang pandaraya na lamang ang naisip na paraan para manalo.


Samantala, inamin ni VP Sara na hindi niya inaasahan na ang buong mundo ang magdiriwang ng ika-80 kaarawan ng dating Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni VP Sara ang mga Pilipino sa iba’t ibang dako sa mundo na nagsagawa ng pagtitipon sa kaarawan kahapon ng dating pangulo.

Facebook Comments