Dating Pangulong Duterte, pinasasalamatan ng mga senador

Nagpasalamat at binigyang pugay ng mga senador si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatapos ng termino nito.

Ayon kay Senador Sonny Angara, sa ilalim ng nakalipas na anim na taon ng Duterte administration ay naranasan ng bansa ang ilan sa mga pinakamahihirap na hamon sa ating kasaysayan.

Sa kabila nito, sa pinamalas na strong political will at magaling na management skills ay natugunan ni dating Pangulong Duterte ang isyu ng ilIgal na droga at ginawang mas ligtas ang Pilipinas para sa lahat.


Sa ilalim rin aniya ng Duterte administration ay nakamit ng Pilipinas ang mataas na credit rating at ang investments sa critical infrastructure na nakatulong sa mga Pilipino.

Dagdag pa ni Angara, sa kabila ng hamong dulot ng COVID-19 pandemic ay napamunuan ng dating pangulo ang bansa tungo sa daan ng pagbangon na maaaring ipagpatuloy ng bagong administrasyon.

Ngayon ay maaari na aniyang i-enjoy ni dating Pangulong Digong ang kanIyang retirement.

Taos-puso naman ang pagpapasalamat ni Senador Christopher ‘Bong’ Go kay dating Pangulong Duterte na higit dalawang dekada niyang nakasama sa paninilbihan sa taumbayan.

Hindi aniya matatawaran ang mga payo at aral na ibinigay sa kanIya ng dating pangulo.

Para naman kay Senador Jinggoy Estrada, hindi matatawaran ang ipinakitang serbisyo, sakripisyo at pagmamahal ni dating Pangulong Duterte sa ating bansa sa nakalipas na anim na taong panunungkulan.

Binigyang diin ni Estrada, sa gitna ng mga hamon at krisis, partikular na sa COVID-19 pandemic, ipinakita nito ang tapang, husay at malasakit ng isang tunay na lider at lingkod bayan.

Facebook Comments