Dating Pangulong Duterte, pormal na pinadalhan ng House Quad Committee ng imbitasyon para dumalo sa mga pagdinig nito

Sa pamamagitan ng isang liham ay pormal ng inimbitahan ng House Quad Committee si dating Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa pagdinig ukol sa extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng war on drugs na ipinatupad sa nakaraang administrasyon.

Ang liham o imbitasyon ay may petsang Oktobre 18, 2024 at pirmado ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na siya ring overall chairman ng quad committee.

Ang imbitasyon kay dating Pangulong Duterte ay para sa pagdinig na nakatakda alas-9:30 ng umaga bukas, Martes, Oktobre 22 na gaganapin sa People’s Center Building ng Batasan Complex, sa Quezon City.


Nakasaad sa liham na layunin ng imbitasyon na makapagbigay ang dating Pangulong Duterte ng kaalaman at kaliwanagan ukol sa isyu ng EJK sa panahong ipinatupad nito ang war on drugs.

Facebook Comments