Inilipat sa Intesive Care Unit (ICU) si dating Pangulong Joseph Estrada matapos ma-ospital dahil sa COVID-19.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni dating Senator Jinggoy Estrada, kailangang ilipat sa ICU ang kanyang ama dahil nangangailangan siya ng mataas na oxygen support.
Pero nilinaw ni Jinggoy na hindi kailangang ilagay ang dating pangulo sa ventilator.
Tinurukan din si dating Pres. Erap ng pampatulog para mabawasan ang kanyang anxiety na nakakaapekto sa kanyang kondisyon.
Gayumpaman, nananatiling stable pero “guarded” ang kondisyon ng dating Pangulo.
Nitong March 29, nang inanunsyo ang pagpositibo sa COVID-19 ni dating President Estrada.
Samantala sa mga hiwalay na social media posts, kinondena nina Jinggoy at kapatid nito na si dating Senator JV Ejercito ang mga kumalat na ulat na pumanaw na ang kanilang ama.
Iginiit ni Ejercito na ang mga nasa likod ng nagpapakalat ng fake news ay “unchristian.”