Kinumpirma ni dating Senador Jinggoy Estrada na nakalabas na ng ospital ang kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada.
Ito ay matapos gumaling sa COVID-19.
Labis naman ang pasasalamat ng pamilya Estrada sa mga doktor na nag-alaga at sa sambayanan na nanalangin.
Magugunitang dalawang beses naipasok sa Intensive Care Unit (ICU) ang dating pangulo dahil sa COVID-19 complications.
Facebook Comments