Dating Pangulong Fidel V. Ramos – pinatitiyak sa Duterte Administration na hindi maaabuso ang umiiral na martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Mahigpit ang pagbabantay ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa umiiral na martial law sa Mindanao.
Sa kanyang press conference sa Makati City, sinabi ni Ramos na dapat tiyakin ng gobyerno na hindi maaabuso ang pinaiiral na batas militar sa rehiyon.
Umaasa rin si Ramos na hindi na palalawigin ng pamahalaan ang 60-araw na ideneklarang martial law sa Mindanao.
Kinuwestiyon din ng dating pangulo kung bakit sa buong Mindanao pinairal ang batas militar dahil marami naman aniyang lugar sa Mindanao ang tahimik.
Hindi rin naniniwala si Ramos na hindi apektado ng martial law ang mga negosyo sa Mindanao.

DZXL558

Facebook Comments