Dating Pangulong Gloria Arroyo, nanawagan ng pagkakaisa laban sa COVID-19

Nanawagan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga Pilipino ng pagkakaisa at pagtutulungan sa gitna ng paglaban ng pamahalaan sa COVID-19.

Ayon kay Arroyo, dapat na magkaisa na ang lahat sa pagsugpo sa coronavirus upang malagpasan ang health emergency na nararanasan ng bansa.

Sinabi ng dating pangulo na sa kabila ng kakulangan sa pasilidad at panganib sa kalusugan, ginagawa ng mga frontliners lalo na ng mga medical health workers ang lahat para tugunan ang patuloy na pagtaas ng mga infected na pasyente.


Hindi rin, aniya, makakatulong ang patuloy na paninisi sa pagkalat ng sakit.

Ang paninisi umano sa China bilang pasimuno ng outbreak ay naunang iginiit ng World Health Organization (WHO) na stigmatizing at counterproductive.

Giit ni Arroyo, ngayong kritikal na oras ay higit kinakailangan ang pagkakaisa ng lahat at ng gobyerno.

Facebook Comments