Dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kakandidato muli bilang kongresista; ilan pang mambabatas, naghain na rin para sa re-election

Kinumpirma ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo na naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) ang kanyang ina na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa halalan sa susunod na taon.

Susubukan aniya ng kanyang ina na makabalik sa Kamara bilang kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Pampanga.

Siya mismo ang naghain ng COC para sa kanyang ina noong Biyernes.


Samantala, ang incumbent Speaker na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay naghain na rin ng kanyang COC para sa re-election sa ilalim ng PDP-Laban.

Habang si dating Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang re-electionist din sa pagka-3rd term ng First District ng probinsya.

Samantala, kinumpirma naman ni AnaKalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang pakikipagtambalan nito kay dating Quezon City Rep. Winnie Castelo para sa susunod na eleksyon.

Tatakbo si Defensor bilang mayor ng Quezon City habang si Castelo ang magiging bise-alkalde nito.

Facebook Comments