You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Dating Pangulong Manuel Quezon, mananatili sa panukalang 20 coin

Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tampok pa rin sa bagong 20-pisong barya si dating Pangulong Manuel Quezon.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno – binubuo na ang disensyo ng mga bagong barya.

Ani Diokno – si Quezon pa rin ang makikita sa 20-pesos coin na kasalukuyang nakikita sa 20-pesos bill.

Dalawang piso ang ginagastos para sa pag-iimprenta ng 20-peso bill kaya pinag-aaralan na magkaroon ng baryang bersyon nito.

Ang 20-peso bill din ang madalas na ginagamit sa transaksyon.

Facebook Comments