Dating Pangulong Noynoy Aquino, binisita si Sen. Leila De Lima sa PNP Custodial Center

66

Kinumpirma ng Public Information Office ng Philippine National Police na nasa loob na ng custodial center si dating Pangulong Noynoy Aquino para bisitahin si Senator Leila De Lima.

 

Bandang ala-1:45 ng hapon nang dumating si P-Noy sa Custodial Center.

 

Nabatid na dalawang puting sasakyan ang pumasok sa loob ng custodial kung saan sakay ang dating Pangulo.

 

Hindi naman sinabi kung sino ang kasama ni P-Noy sa pagbisita kay De Lima.




Facebook Comments