Dating Pangulong Noynoy Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Commander Getulio Napenas, binigyan ng limang araw ng Ombudsman para i-apela ang kasong isinampa laban sa kanila ng Ombudsman

Manila, Philippines – Binigyan ng limang araw na palugit ang kampo ni dating Pangulong Noynoy Aquino na i-apela ang kasong inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

Ayon sa Ombudsman, mayroong hanggang July 19 sina Aquino, former PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napenas na maghain ng motion for reconsideration.

Kahapon, ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio ang pagsasampa ng kasong Usurpation of Authority at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kina Aquino.


Ginawang batayan ng Ombudsman ang pag-apruba at kapabayaan ni Aquino sa operasyon sa oplan exodus at ang pagbibigay nito ng go signal kay Purisima na manguna at magmando sa operasyon kahit suspendido ito.

Apatnaput’ apat na SAF commandos ang nasawi sa nasabing operasyon.

Facebook Comments