
Manila, Philippines – Iginiit nidating Pangulong Noynoy Aquino na walang “probable cause” para siya ay kasuhankaugnay ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program o DAP.
Kasunod ito ng nakatakdangre-investigation ng Department of Justice sa pork barrel scam.
Sa isinumiteng komento ng kampo ni Aquinosa Ombudsman – ipinababasura nito ang inihaing complaint ni Bayan Muna Rep. CarlosZarate kung saan inabswelto ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang datingpangulo.
Ayon kay Aquino – ginampanan langniya ang “core executive functions” niya bilang pangulo.
Wala rin anyang sapat na dahilanpara kasuhan siya ng technical malversation dahil wala siyang direktangkustodiya sa kaban ng bayan.
Bukod dito – hindi rin siya dapatkasuhan ng graft dahil ipinatupad niya ang DAP sa paglalayong mapabilis ang mgainfrastructure spending na makatutulong sa ekonomiya ng bansa.









