Ihahatid na sa huling hantungan ngayong araw si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ngayong umaga, magkakaroon ng funeral mass sa Ateneo de Manila University (ADMU) sa Quezon City para sa huling pamamaalam sa ika-15 pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Pangungunahan ito ni Archbishop Socrates Villegas.
Gaganapin ang Banal na Misa sa Church of Gesu mamayang alas-10:00 ng umaga.
Mapapanood ang misa sa Ateneo de Manila University Facebook at YouTube pages.
Wala nang mangyayaring public viewing ngayong araw sa Ateneo Campus.
Pagkatapos nito, ang urn o lalagyan ng abo ng dating pangulo ay dadalhin sa Manila Memorial Park sa Parañaque kung saan siya ililibing.
Ihihimlay ang mga labi ng dating pangulo sa tabi ng kanyang mga namayamang magulang na sina dating Senador Ninoy Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Aquino.
Dadaan ang convoy sa C5 patungong SLEX hanggang sa makarating ito sa Manila Memorial.
Ang publiko ay maaaring dumalaw sa magiging puntod ni PNoy mamayang alas-3:00 ng hapon.
Pinapayuhan ang mga dadalaw na sumunod sa COVID-19 health protocols.