Dating Pangulong Noynoy Aquino, kinuwestyon ang rekomendasyon ng Ombudsman na kasuhan siya kaugnay ng mamasapano insident

Manila, Philippines – Maghahain ng apela si dating Pangulo Noynoy Aquino sa rekomendasyon ng Office of the Ombudsman na kasuhan siya ng kasong kriminal kaugnay sa Mamasapano encounter.

Ayon kay Atty. Abigail Valte, tagapagsalita ni Aquino – pinag-aaralan na ng kanilang legal team ang resolusyon ng Ombudsman.

Iginiit din ni Valte na nagkaroon lamang ng misappreciation sa ilang impormasyon sa naganap na engkwentro na ikinasawi ng 44 na SAF members.


Sa naging pasya ng Ombudsman, kasong Usurpation of Authority at Graft ang ipinasasampa laban kay Aquino.

Nabatid na kahapon lamang natanggap ng dating pangulo ang nasabing kautusan.

Facebook Comments