Manila, Philippines – Minura at binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Aquino na wala naman daw nangyayari sa anti-drug campaign ng kasalukuyang administrasyon.
Sa kanyang talumpati sa 113th anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue (BIR)sinabi ng pangulo na si Aquino ang walang ginawa para sugpuin ang problema ng droga sa bansa.
Giit pa ni Duterte, walang karapatan si Aquino na punahin ang kanyang war on drugs.
Dinepensahan din ng pangulo ang mga pulis sa nangyaring raid sa bahay ng pamilya Parojinog sa Ozamis City.
Kasabay nito, muli siyang nagbabala sa iba pang mga mayor na sangkot sa droga.
Facebook Comments