MANILA – Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Philippine National Police Chief Allan Purisima.May kinalaman ito sa mamasapano encounter noong January 25, 2015 kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mga miyembro ng special action force na namatay sa operasyonSa paghaharap nina Pangulong Duterte at naulilang pamilya ng Saf 44, nilinaw kaagad ng pangulo na hindi naman siya nakikipag-away kay dating pangulong Aquino at Purisima pero panahon na para lumabas ang katotohanan sa isyu.Kuwento pa ng pangulo, naalala niya na tinanong ni dating Pnoy ang isang AFP official sa kung ano ang kanyang dapat gawin nang makarating sa kanya ang impormasyon na napatay ang 44 na miyembro ng Saf.Kasabay nito, tiniyak ni Pangulong Duterte na hindi mangyayari sa ilalim ng kanyang termino ang tulad nang naganap sa mamasapano.
Dating Pangulong Noynoy Aquino, Sinisi Ni Pangulong Duterte Sa Pagkamatay Ng Saf Commandos
Facebook Comments