Dating Pangulong Noynoy Aquino, walang malubhang karamdaman, ayon kay Kris Aquino  

Itinanggi ni Kris Aquino na may malubhang sakit ang kanyang kapatid na si Dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kanyang sagot mula sa tanong ng isang netizen sa Instagram, sinabi ni Kris na hindi niya alam kung paano magre-react sa isyu.

Huli silang nagkita ng kanyang kuya Noy limang buwan na ang nakararaan.


Aminado si Kris na hindi sila close ngayon ng dating pangulo dahil may mga isyung hindi pa naaayos.

Nag-ugat ang isyu sa kumalat na larawan ni Noynoy sa social media na mukhang nangangayayat at tila bumagsak ang katawan.

Facebook Comments