Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpulong sa Malacañang

Tumungo sa Palasyo ng Malacañang kagabi si dating Pangulong Rodrigo Duterte para makita at makausap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Si dating Pangulong Duterte ay sinalubong mismo ni PBBM sa Palasyo.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, pinag-usapan ng dalawa ang nakaraang pagpupulong ni dating Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jin Ping sa China.


Natalakay rin ayon sa kalihim ng dalawa ang iba pang mga mahahalagang usapin at mga isyu sa bansa.

Kaugnay nito nagbigay naman si dating Pangulong Duterte ng ilang payo kay Pangulong Marcos Jr.

Matatandaang noong July 17 ay nakipagpulong si dating Pangulong Duterte kay Chinese Presidente Xi Jin Ping at pinag-usapan ang patuloy na kooperasyon ng Pilipinas at China.

Facebook Comments