Hindi makakadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Senator Christopher ‘Bong’ Go, sa kanyang pagkakaalam ay hindi makakadalo sa SONA si dating Pangulong Duterte dahil napagod ito galing sa isang linggong biyahe sa China.
Sinabi ng senador na dumiretso na sa Davao ang dating presidente at kasalukuyang nagpapahinga.
Aniya, hindi na bago ito dahil noong nakaraang taon ay hindi rin nakapunta si Duterte sa unang SONA ni PBBM.
Magkagayunman, mag-mo-monitor naman si Duterte ng SONA ni Pangulong Marcos mamayang hapon.
Samantala, magbibigay naman ng briefing si dating Pangulong Duterte kay Pangulong Marcos Jr. tungkol sa naging pulong niya kay Chinese President Xi Jinping.
Aniya, batid naman ng dating Presidente ang kanyang obligasyon kung may dapat itong ihayag sa kasalukuyang pamahalaan.