Hindi pinangangambahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang impormasyon na posible siyang arestuhin dahil sa mga kasong kinakaharap sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Senator Christopher Bong Go, wala namang nagbago sa attitude at normal naman ang kinikilos ng dating Presidente dahil naniniwala naman ito na walang hurisdiksyon ang ICC sa ating bansa.
Aniya pa, wala namang kongkretong impormasyon tungkol dito at ito’y pawang haka-haka at kanya kanyang labas ng mga opinyon.
Sinabi ni Go na naniniwala at nagtitiwala siya sa binitawang salita ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi makikipagtulungan at hindi makikipagugnayan ang gobyerno sa ICC dahil wala silang hurisdiksyon sa Pilipinas.
Mangangailangan din ng koordinasyon ang ICC sa ating local forces at dahil malabong mag cooperate ang bansa ay tiwala siyang walang pag-aresto sa dating Presidente.