Dating Pangulong Rodrigo Duterte, mahihirapang bawiin ang mga sinabi sa pagdinig ng Senado kahapon

Mahihirapan na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang kanyang mga sinabi kahapon sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng war on drugs.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, mahihirapan si Duterte na bawiin ang kanyang mga sinabi sa pagdinig dahil ang lahat ng kanyang mga sinabi kahapon ay pinanumpaan ng dating pangulo.

Ito aniya ang kaibahan na bagama’t wala namang bago sa mga sinabi ng dating pangulo ay inihayag niya ito sa Senado “under oath” at nagsalita siya sa abot ng kanyang mga nalalaman na maaaring magamit pabor o laban sa kanya.


Sinabi pa ng senador na kung titignan ang video footage kahapon ay makikitang hindi rin naman nagbibiro si Duterte sa kanyang mga nasabi.

Hindi rin pwedeng sabihin ng mga nakapalibot kay Duterte na nagbibiro lang ang dating presidente lalo na kung mababasa ang buong transcript ng idinaos na pagdinig na walang halong emosyon o damdamin.

Facebook Comments