Dating PCGG chair Camilo Sabio, convicted sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act

Manila, Philippines – Hinatulan ngayon ng Sandiganbayan 1st Division na guilty sa dalawang bilang kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si dating PCGG Chair Camilo Sabio.

Ayon sa anti-graft court napatunayang nagkasala beyond resonable doubt si Sabio sa kasong ibinibintang sa kanya.

Dahil dito, pagkakakulong na mula 12 hanggang 20 taon ang ipinataw na parusa kay Sabio.


Ang kaso ay kaugnay sa maanomalyang pag lease ng milyong pisong halaga ng sasakyan noong 2007 at 2009 ng ahensya na walang isinagawang public bidding.

Facebook Comments