Dating PCO undersecretary Lorraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz, sinampahan ng kasong civil liability ni Beteranong TV Broadcaster Atom Araullo sa QC Prosecutors Office

Naghain ng kasong Civil Liability sa Quezon City Regional Trial Court ang Beteranong TV Broadcaster na si Atom Araullo laban kay dating Presidential Communications Office (PCO) USec. Loraine Badoy at Jefrey Ka Eric Celis dahil sa umanong walang basehan ang kanilang mga akusasyon laban sa kanya.

Sa ginanap na press conference sa Quezon City sinabi ni Atom Araullo na bahagi umano ito ng malawakang manunupil ng malayang pamamahayag kung kaya’t binasag na niya ang katahimikan at nagpasya na manindigan dahil nangangamba siya ng kaligtasan ng kanyang pamilya.

Naniniwala si Araullo na kailangan managot ang malisyosong pamamahayag ng walang matibay na basehan.


Binigyang diin pa ni Araullo na ang naging epekto umano sa kanya ay emotional at psychological dahil maraming mga negatibong mga komento sa kanya sa mga social media hinggil sa naging pahayag nina Badoy at Celis.

Facebook Comments