Dating PCol. Eduardo Acierto, isinangkot ang negosyanteng si Michael Yang sa iligal na droga at inakusahan si dating Pangulong Duterte na tinangka siyang ipapatay

Humaharap ngayon sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers and dating police colonel na si Eduardo Acierto.

Ang pagdinig ay patungkol sa ₱3.6-billion na iligal na droga sa Mexico, Pampanga noong nakaraang taon kung saan isinangkot ni Acierto ang negosyante at dating Presidential Adviser Michael Yang na may kinalaman sa iligal na droga.

Ayon kay Acierto, nadiskubre niya at ni Police Capt. Lito Perote ang iligal na gawain ni Yang at business partner nito na si Allan Lim at kanila itong ini-report.


Kasunod nito ay nawala na umano si Perote na posibleng pinatay na habang siya naman ay pinapapatay umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagdinig ay binigyang diin ni Acierto na siya ay hindi protektor ng sindikato ng droga, hindi rin siya kidnapper, at wala raw siyang dinukot at pina-ransom na drug personalities.

Facebook Comments