Dating PCSO General Manager at retired police Col. Royina Garma, ikinanta sa house quad committee hearing ang detalye ng EJK sa ilalim ng war on drugs

Umiiyak na isiniwalat ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager at retired police colonel Royina Garma sa pagdinig ng house quad committee ang nalaman ukol sa implementasyon ng war on drugs na ugat ng mga kaso ng extrajudicial killing (EJK) sa nakaraang administrasyon.

Sa kaniyang sinumpaang salaysay ay sinabi Garma noong May 2016 ay tinawagan sya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at pinaghanap ng pulis na miyembro ng Iglesa ni Cristo na makapapagpatupad ng national anti-drug task force na kahalintulad ng “Davao Model.”

Ayon kay garma, inirekomenda niya ang upperclassman nya sa PNP Academy na si Police Col. Edilberto Leonardo at itinuro din niya nasa likod ng pagpapatupad ng drug war si Senator Christopher Bong Go.


Binanggit din ni Garma, ang reward system sa ilalim ng drug war kung saan makakatanggap ng ₱20,000 hanggang ₱1,000,000 ang mga police na mayroong mapapatay na may koneksyon sa iligal na droga.

Facebook Comments