Hindi na kailangang dalahin sa ospital kaya mananatili sa detention ng facility ng Kamara si dating Philippine Charity Sweepstakes Officer o PCSO General Manager at retired Police Colonel Royina Garma.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, natugunan na ng House medical and dental service ang nararamdamang sakit sa leeg at tuhod ni Garma.
Magugunitang sa ika-anim na pagdinig ng House Quad Committee ay nagbigay ng sulat si Garma na naglalaman ng hiling na sya ay magpatingin sa ospital dahil sa iniiindang sakit.
Sabi ni Velasco, lumabas sa pagsusuri ng ni House Medical Director, Dr. Luis Jose Bautista, ang sakit sa leeg at tenga ni Garma ay dulot ng dental problem na unti-unti nang nawawala matapos mabigyan ng gamot.
Binanggit ni Velasco na sumasailalim na rin si Garma sa physical therapy sa pamamagitan ng in-House rehabilitation therapy service para sa kaniyang tuhod.
Samantala, pinagbigyan naman ng Quad Committee na makasama ni Garma sa detention facility ng Kamara ang kanyang anak na may special needs.
Pinahintulutan din si Garma na gumamit ng cellphone at internet para sa online schooling ng kaniyang anak.