Dating PCSO GM Royina Garma, nakaalis ng bansa dahil walang HDO

Wala pang inilalabas na Hold Departure Order (HDO) laban kay Ret. Pcol. at Dating PCSO GM Royina Garma, kaya ito nakalabas ng bansa.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) PIO Chief PBGen. Jean Fajardo kasunod ng impormasyong nasa Amerika si Garma kasama ang kanyang anak na si Angelica Garma Vilela.

Ani Fajardo, wala pa kasing naisasampang kaso laban kay Garma kaya’t wala pang inilalabas na HDO ang korte.


Sa kabila nito, sinabi ni Fajardo na wala pa siyang impormasyon hinggil sa pagkaka-aresto ng dalawa sa San Francisco, California nitong November 7.

Si Garma kasama si dating NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo ang sinasabing utak sa pagpatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.

Facebook Comments