
Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa si Royina Marzan Garma, patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon sa Immigration Bureau, si Garma ay umalis ng Linggo ng gabi sakay ng isang flight patungong Malaysia sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 bilang turista.
Agad namang iniulat ng BI sa Department of Justice (DOJ) ang pag-alis sa bansa ni Garma bilang pagtalima sa procedure kung saan sa pag-verify ay walang hold departure order o warrant of arrest laban sa kanya.
Matatandaang si Garma ay subject ng Immigration Lookout Bulletin na may petsang Nobyembre 15, 2024 para sa pagiging human interest sa isang kaso noong 2020 at 2016.
Facebook Comments









