Dating PDEA agent Jonathan Morales, hindi na dapat payagang tumestigo ukol sa PDEA leaks

Ipagpapatuloy ngayong araw ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang imbestigasyon sa nagleak na dokumento ng PDEA kung saan iniuugnay si Pangulong Bongbong Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano sa iligal na droga.

Kukwestyunin ni Senator Jinggoy Estrada kung bakit pinapayagan pang tumestigo sa imbestigasyon ng Senado si dating PDEA agent Jonathan Morales gayong isa aniya itong “congenital liar” o likas na sinungaling.

Hindi aniya karapat-dapat na maging testigo si Morales dahul bukod sa wala itong kredibilidad ay isang dekada na rin itong permanenteng ban sa pagseserbisyo sa gobyerno dahil sa isyu ng dishonesty at grave misconduct makaraang aminin na nag-fabricate o nagtanim sila ng ebidensya sa isang drug bust operation.


Batay sa naging desisyon ng Civil Service Commission (CSC) noong 2014, hindi na pinapayagan si Morales na makabalik sa serbisyo, pinagbawalan din kumuha ng anumang civil service examination at forfeited na rin ang mga retirement benefits nito dahil sa pagsira sa reputasyon ng pamahalaan matapos na arestuhin at taniman noon ng ebidensya ang isang inosenteng indibidwal.

Mababatid na maging si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay tinawag si Morales na professional liar at ikinumpara ito sa jukebox na kakantahin kahit ano basta’t mahulugan ng pera.

Facebook Comments