Dating Pharmally witness, naglabas ng sinumpaang salaysay kaugnay ng kanyang patuloy na pagkakatanggap ng pagbabanta sa buhay

Isa pang dating Pharmally Pharmaceutical Corporation (PPC) warehouse staff ang nagbigay ng kanyang sworn statement na naglalahad ng aniyay panunuhol at pagbabanta sa kanya ng Tanggapan ni Senadora Rissa Hontiveros.

Ito ay sa pamamagitan ng abogado nito na si Atty. Jaye Bekema kaugnay ng naging imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon sa testigong si Mark Clarence Manalo, nagdesisyon syang magbigay ng sworn statement dahil hanggang sa kasalukuyan ay patuloy siyang nakatatanggap ng pananakot gaya ng nakikitang mga sasakyan at motorsiklo na umaaligid sa kanilang bahay.


May mga kapitbahay din daw siya na nagsabi na may mga lalaking naghahanap sa kanyang kapatid na si Veejay na naging testigo ni Hontiveros sa Senate hearing kaugnay sa sinasabing anomalya sa pagbili ng pandemic materials ng PPC subalit kalaunan ay binawi ang kanyang testimonya at umamin na sinuhulan lamang siya.

Ayon kay Manalo, natatakot siya sa kaligtasan nilang magkapatid lalo nat nakabinbin sa Office of the Ombudsman ang inihain nitong kasong conspiring to commit sedition, subornation of perjury, offering false evidence, at paglabag sa code of conduct laban kay Hontiveros at sa mga staff nito.

Una nang inamin ni Manalo na si Veejay ang unang nilapitan ni Atty. Bekema at ang driver ni Hontiveros na si Ryan Lazo, at nakita niya raw ang ₱20,000 bribe money na inabot sa kanyang kapatid.

Sinabi ni Manalo na bilang warehouse staff ng PPC ay alam niyang hindi totoo ang isiniwalat ng kapatid sa pagdinig ng Senado kaya napilitan siyang magtungo sa Citizens Crime Watch (CCW) para itanggi ang mga salaysay ng kapatid.

Facebook Comments