Naghain si dating PhilHealth President Ricardo Morales ng reklamong cyber libel laban sa dating anti-fraud legal officer na nagdawit sa kanya sa korapsyon.
Sumadya si Morales sa Taguig City Prosecutor’s Office at dito isinampa ang kaso laban kay Thorsson Montes Keith, na nagbitiw sa PhilHealth nitong Hulyo dahil sa korapsyon.
Ayon kay Morales, naglunsad si Keith ng ‘smear campaign’ laban sa kanya matapos niyang tanggihan ang applications nito para sa dalawang posisyon sa PhilHealth.
Ang una aniya ay bilang head executive assistant at ang pangalawa ay bilang regional vice president.
Dagdag pa ni Morales, gawa-gawa lamang ang mga akusasyon ni Keith laban sa kanya at sa iba pang opisyal ng PhilHealth.
Matatandaang inakusahan ni Keith si Morales na nagkakanlong ng sindikato sa PhilHealth at nagnakaw ng nasa ₱15 bilyong halaga ng public funds, bagay na itinanggi ni Morales.