Dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, pormal na sasampahan ng reklamo ngayong araw

102

Sasampahan ng pormal na kaso ngayong araw si dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kaniyang Twitter post.


Si Mauro ay iniimbestigahan dahil sa ginawa nitong pagmamaltrato sa kanIyang household staff na nasapul  ng CCTV.

Ang dating envoy ay nasa bansa na matapos siyang ipatawag ng pamahalaan para sumailalim sa imbestigasyon.

Isang panel ang binuo para imbestigahan si Mauro sa loob ng 15 araw.

Ang household staff ay binigyan ng ₱200,000 assistance at kasalukuyang naka-quarantine sa South Cotabato.




Facebook Comments