Dating PNoy, iginiit na ang abstention ay hindi option sa 2019 elections

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Pangulong Noynoy Aquino III na ang totoong pagbabago ay nananatiling nasa kamay ng taumbayan.

Ayon kay Aquino – ang anim na taong termino ng isang Pangulo ay kulang para resolbahin ang lahat ng problema ng bansa, kabilang na ang judicial system.

Aniya, dapat busisiing mabuti ng botante ang track record ng mga kandidato upang hindi mahahantong sa salitang “hindi boboto” dahil wala silang mapili.


Giit pa ng dating pangulo na dapat matuto na ang mga Pilipino sa kanilang mga dating pagkakamali at iwasang maulit muli ito.

Dagdag pa ni Aquino, kung binigo ka ng binoto mo, bakit pa siya ulit iboboto mo.

Ipinagmalaki rin ni Aquino ang accomplishments ng kanyang administrasyon gaya ng k-to-12 program, financial aid sa pamamagitan ng conditional cash transfer at expanded benefits ng PhilHealth.

Facebook Comments