Dating PNoy, naniniwalang pinupulitika siya matapos irekomenda ng Kamara na kasuhan siya

Manila, Philippines – Iginiit ni dating Pangulong Noynoy Aquino na ginawa lamang niya ang sa tingin niya ay nararapat nang aprubahan ang pagbili sa Dengvaxia.

Ayon kay Aquino – bago, habang at pagkatapos nilang magdesisyon tungkol sa Dengvaxia at maging hanggang ngayon ay walang nagparating sa kanya ng pagtutol.

Wala rin aniyang sumalungat sa kanya noon at binalaan siya tungkol sa bakuna.


Taliwas ito sa nakasaad sa committee report na hindi niya pinakinggan ang mga babala.

Sinagot din niya ang pagkwestyon ng Kamara sa pondo sa pagbili sa bakuna.

Giit ni Aquino – galing sa 2015 Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) ang pondo alinsunod sa depinisyon ng savings ng Korte Suprema at Kongreso.

Nabatid na pinakakasuhan ng House Committee on Good Government and Public Accountability at House Committee on Health si Aquino at iba pang opisyal dahil sa kontrobersyal na anti-dengue vaccine.

Facebook Comments